THE BEAUTIFUL YOU

❤ ❤ ❤

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

Your smile that shines in my eyes,

Like the blooming sun that rise.

You’re glow that makes me happy,

Makes me giggle and snappy.

 

Are you getting tired my dear?

You’ve been running through my mind the whole year,

You make my life so exciting,

Tense feeling I’ve been experiencing.

 

I can’t get my eyes off you,

Following you to and fro.

I can’t resist from falling in love,

Are you an angel sent from above?

 

Do you have a map? I’m getting lost in your eyes.

I’ve found a diamond in skies,

So bright and precious you,

Who brings so much hue.

 

Everytime I see you, you turn me on.

Oh no, do you have a clone?

Everywhere I look, all I see is you.

I’m not drunk; I’m just intoxicated by you.

 

Meeting someone so special only happens once in a lifetime.

All I want is just to see you from time to time.

You look beautiful today,

Just like every other day.

 

Parang Kailan lang?

Sobrang tatag ng aking isipan ngayon sa mga maraming kapana-panabik na mga mangyayari sa taong ito. Noon, pawang isipan ko ay gulong-gulo sa mga eksenang masyadong madrama. Ngayon, mas pinapatatag ko ang anking kaloobang mag-sumikap nang makatapos sa pag-aaral. 

Hindi ko mawari kung anong kahihinatnan ng desisyon kong ito, basta’t ang alam ko lang ay ang aking pagtatagumpay ay magbubunga ng kasiyahan sa ‘king mga magulang na syang umagapay sa ‘kin para mag sumikap na igapang ako sa pag-aaral. Masasabi kong, malayo man ang aking pinagmulan, hindi rito nasusukat ang pag-asa sa’king puso na makapagtapos ng kolehiyo alang-alang sa mga taong naniniwala sa’king kakayahan. Higit kong inaalay ito sa Panginoong Diyos na syang nag bigay ng lakas sa’ken.

Hayyy. Next week na ang pasukan. Ewan ko lang kung ano ‘yung sasalubong sa kin, basta’t sa sarili ko, alam ko ang gusto ko. Papanindigan ko ‘to. Tatapusin ko ‘to. Kahit anong mangyari.

Marami narin akong narinig mula sa ibang estudyante na “UNDANG NA LANG KO”, OR “GIKAPOI NAKO”. Hindi ko kayang magbitaw ng mga ganitong salita sa buong buhay ko. Tanging sarili ko lamang ang makakatalo sa’kin kung magkaganon man sa oras na susuko na ako. Syempre, hinding-hindi ako susuko para sa ‘king mga pinapangarap. Sa buhay, pinapahalagahan ko ang meron ako ngayon… at pinapahalagahan ko rin ang mga ninanais ko sa hinaharap. ‘Di mawawala jan ang sariling bahay, lupa, swimming pool, negosyo, sasakyan, masaya at maginhawang pamumuhay. Naniniwala akong ang edukasyon ang solusyon sa kahirapan. Para na rin sa kinabukasan ng pamilya ko sa hinaharap, gusto ko silang makatikim ng masaganang buhay. Para sa’king mga magulang at kapatid, umaasa sila na ako’y makakapagtapos para makatulong na rin sa paghahanap buhay nang sa ganon ay ako ang magpapa-aral ng kapatid ko.

Malaking tulong ang pananalig sa Diyos at pagtitiwala sa sarili. Samut saring mga negatibo ang pinuno ko sa’king isipan noon nang ako’y naghihintay pa lamang ng resulta sa ‘king pag shift sa kursong gustong-gusto ko. Sabi ko noon nang nagfifill-up pa lang ako ng form before ako nagtake ng UPCAT, “ay, bahala sa Iloilo basta’t ang kursong gusto ko ang makukuha ko.” Kaya linagay kong first choice campus:UP VISAYAS, a.Chemical Engineering b. Accountancy. 

Kaya lang, ‘di ako pinalad na makapasok niisa samga pinili ko. Kahit nakapasa ako sa UPCAT, “DPWAS” naman ang resulta ng kurso ko o Degree Program With Available Slots. WEW. grave. Ang saya-saya ko talaga nun nung nalaman kong nakapasa ako. ‘Yun nga lang ang problema… 😦 is.. Kailangan ko pa palang mag susummer bridge sa Math nun kasi mababa ang kuha ko sa math. Kaya mas naging maaga ang pag punta ko sa Miagao, Iloilo. Ahay… hanggang natapos ang Summer Bridge Program sa Math, dun nalang ako sa dorm naghintay hanggang pasukan. Naghanap ako sa Registrar kung mayroon pa bang slot na available. Linagay naman nila ako sa BS in Fisheries. 

Naging okay lang naman ang 1st sem ko sa Fish, masaya naman at ‘dun ako sumuko sa pangarap kong maging isang Chemical Engineer. OH DIBA? *.*

Sa pagsisimula ng 2nd sem, parang may sumanib na spirito ng pag-asa sa’kin. Nang maging CS ako o College Scholar sa first sem, parang, may kung anong aura ang namuo sa ‘king damdamin na mag shift sa kursong gusto ko, at ito ang mga samut saring kadahilanan:

1. Ayokong tumanda na magsisi dahil hindi ko kinuha ang pagkakataong makapasok sa gusto kong kurso.

2. Ayokong ibalewala ang gusto ng sarili ko.

3. Gusto kong magtayo ng Winery sa Surigao.

4. Gusto kong maging isang Engineer.

5. Gusto kong magpa inspire sa kapwa kong kabataan na matutuong maghintay sa pinapangarap.

6. Gusto kong gawin ang mga gusto ko habang may panahon pa.

7. Gusto kong magpakatotoo sa sarili ko.

Ito, ang mga simpleng sagot kung bakit ako nag SHIFT. Alam kong, sa mga Fish Friends ko, sila’y nalulungkot, at naging happy for me dahil sa nakamit ko na sa wakas ang matagal kong pinapangarap. Hindi maipagpapalit ang tuwang nagmumula sa’king damdamin. Naway gabayan ako ng Diyos sa mga LONG EXAMS na aking susuungin. Alam ko sa sarili ko na sa bandang huli, ang lahat ng pinaghirapan ay mamumunga ng mabuti at kailangan lamang ng tyaga sa bawat panahong igugugol ko sa pag-aaral. 

MABUHAY ANG MGA ISKOLAR NG BAYAN. 🙂