Puting Rosas

Sa bawat paglakad ay damang dama ang labis na pagkasabik ng puso. Hindi maintindihan ang nadarama sa unang sulyap ng iyong mga mata. Tila bukambibig ang lahat ng matatamis na bagay sa mundo. Ang sarili ay ‘di maalintana sapagkat tumatangis ang bawat silakbol ng damdamin at ika’y niyakap sa unang pagkakataon… Oo, sa kauna-unahang pagkakataong nakita ka, sa wakas.

Kasing bilis rin ng dyip ang pag-apaw ng kasiyahang hatid ng bawat pag-ngiti. Hindi pansin ang paligid pagkat ang iyong paggalaw lamang ang tanging sinisilip. Sulyap ng mata’y hindi maiwas, karugtong ng pag-ambit ng bawat tinaga mula sa iyong malalim na pagbigkas na tila’y musika sa ‘king pandinig.

Mga kwentong marathon na hindi mahahalili sa mga nababasa sa telebisyon. Kahit maghapon na magkasama’y tuloy pa rin ang pagkilala sa isa’t isa na ‘di ko mawari na ganito pala… Ganito pala kaysarap titigan ang iyong mga mata, pakinggan ang iyong mga tinaga, ang hawakan ang iyong mga kamay, ang sumandal sa iyong balikat habang pinapakinggan ang musikang tayo lamang ang nakakarinig. Ganito pala kaysarap mahulog sa iyo, oh, giliw ko.

Di ko namalayan ang oras ng bawat pag patak ng segundo sa bawat pagtama ng ating mga mata ay tila natatamaan ang puso. Hahayaan nalang ang damdamin na tila langit ang nadarama tulad ng pagsikat ng araw sa silangan hanggang sa paglubog nito sa kanluran. Walang katapusang saloobin kung bakit ako nagkakaganito. Sa kung ano ang meron sa wala at kung ano ang wala sa meron. Pagkat ‘di ko mapagtanto kung bakit tila ang pagtawa mo ang pinapapangarap ko.

Ang mga butuin sa kalangitan ay walang katulad sa kislap ng iyong mga mata. Ang pagdampi ng lamig ng hangin sa aking balat ay ‘di alintana pagkat ang presensya mo ay nangingibabaw. Isinawasiwas lamang ang pagka hiya ‘pagkat hangad lamang ay ang makilala ka. Hindi pansin ang mga taong nasa paligid dahil sa patuloy kong pinagmamasdan ang bawat anggulo mo na babaunin ko sa pag-alis. Sa pag-alis kong baon ang iyong mga ngiti at tawa, baon ang kwento mong salamin ng iyong buhay, baon ang mga alaalang parte ako ng buhay mo sa oras na ito.. mula sa ‘ting pagkikita hanggang sa aking pagsakay.

Sa pagduyan ay laman ng isipan ang pangakong hintayan. Sa dapit hapon ng ating pag liway, tugma ang bawat ritmo na sumasang-ayon sa labis na tiwala na ‘di malilimutan kailanpaman. Hindi linggid sa ‘king kaalaman na ganito pala kasaya ang isiping hindi ako nag-iisa sa pagtungo sa kinabukasan. Sa tuwina ay napapaindak sa saya, dama ang kaba, at lahat ng pwedeng madama sa hatid nitong hamon sa buhay ko. ‘Di mapigil ang mabilis na pagtibok ng puso, tanong ko tuloy, ito na ba ang para sa akin?

Pilit na pinapakalma ang sarili sa kasiyahang parang sumasabog ang lahat ng nasa loob ko. Kasabay ng pag-agos ng dugo sa aking mga ugat ay ang paggulo ng sistema na ‘di ko lubos maintindihan. Ngunit kabigha-bighani ang kapayapaang natagpuan sa balikat mo nang sa pagsandal ko’y dama ang bawat sandali nito.

Walang pakundangan ang kulitan na sa’yo lamang iaalay. Pangako ay mananaig, magunaw man ang daigdig. Pero alam kong daig ka pa saken kung kiligin, awh ah. Hahahaha! Tila wala na ‘tong katapusan, tadhana na ang may sadya tulad ng kalawakang walang hanggan. Sa daraang araw, oras, at sandali,  dagdag sa mithiin ko sa buhay, ay aalayan ka ng pang-habangbuhay- wagas at tapat na suyuan hanggang sa huli oh, giliw ko.

October 29, 2016

 

 

36 G.Low.Seas

I’ve sailed day and night,

A never ending plight.

At the shore, in a fierce night,

Seen a dove, have I gotten it right?


By the bay, the shallow waters creep,

With mild symphony and the song I keep.

Rolling in the deep

Watching your shadows sleep.


The dark blue sky blankets thy stars,

Glowing much from a far.

Sincerity in every scar,

My soul explodes ’tis not par.


Drowing out of thy window,

Never knowing the rainbow,

It’s only white and a shadow.

36 bricks made of jealou.