Maraming araw nang nagdaan

Mula nung ikaw ay aking unang namasdan

Sarili ko’y hindi maintindihan

Dahil ika’y di maalis sa aking isipan

 

Sa tuwina’y ninanais kang makita

Pag andyan ka nama’y nagtatago sa hiya

Ano nga ba ang aking nadarama?

Sa iyo ba ay nahuhulog na?

 

Ano nga bang mahika ang taglay mo?

Sa tuwing andyan ka’y natutulala sayo.

Di ko rin lubos maintindihan sarili ko,

Maipapaliwanang mo ba ang damdaming ito?

 

Sa unang pagkita natin ay di naman ganito

Di ko napansin ang taglay na ganda mo

Dahil siguro’y kaibigan ang pagtingin sayo

Ngunit ngayo’y bigla nalang nagkaganito

 

Di mawari ang nararapat na gawin

Makailang gabi kong pinag isipan rin

Sana’y may makapagpaliwanag sa akin

Ukol sa aking damdamin

 

Ninanais na ika’y parating nariyan

Pagkat lubos ang aking kaligayahan

Sa sobrang saya’y baka di ko mapigilan

Iyong mga pisngi ay aking halikan

 

Maipapahiwatig ko kaya ang lahat sa iyo?

Ano kaya ang magiging reaksyon mo?

Tatanggapin mo ba ang nadarama sa iyo?

O sa akin ay umiwas at lumayo?

 

-By Antukin076 12-2-15

Advertisements

2 thoughts on “

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s