NEW BEGINNINGS

THIS IS IT. THIS IS REALLY IS IT.

#Agosto11, 2014

Woh. Ito na ang simula ng aking bagong pagtahak sa bagong kursong pinapangarap ko. Talagang sabik akong mag-aral at sadyang punong-puno ako ng kasiyahan sa mga nagaganap sa’king paligid. Nais kong pasalamatan ang Panginoon sa kanyang walang-sawang pagsuporta sa ‘king mga desisyon. Syempre, hindi mawawala ang aking mga magulang na patuloy ang wagas na pagalalay sa’kin sa bawat hakbang ng aking buhay. Nway ‘di ako sumuko sa kahit anong pagsubok dahil alam ko nanjan ang Diyos at ang pamilya ko upang samahan ako sa isang kapana-panabik na simula ng aking buhay. Nais kong pasalamatan ang lahat ng taong naniniwala sa’king kakayahan na lubos ang ibinibigay na pagtitiwala sa akin. Higit pa riyan ang mga kasiyahan sa mundo na hindi mapapalitan ng anumang bagay. Sa bagong pagyakap ng mga marumero, maka agham, maka mandag na mga asignatura sa BS in Chemical Engineerings, gusto kong magsumikap habang nag-eenjoy sa’king ginagawa bilang isang estudyante. Alam kong mahirap ang kurso pero di ko iisipin ang mga balakid bagkus, iisaisip ko na para rin naman ‘to saking kinabukasan, para sa’king pamilya-kina mama, papa, at momai na umaasa na balang-araw ay makakatikim din kami ng kaginhawaan sa buhay. Higit sa lahat, para kay PAPA GOD na nanjan para sa akin lagi. Salamat, Good Luck and God bless to me 🙂

Advertisements