Isang Open Letter para kay Tadhana

Makikisulat Lang Po.

Tadhana, kumusta? Isa akong masugid mong tagahanga. As in sobrang fan mo ako. Lagi kong sinusubaybayan ang mga istorya tungkol sa’yo. Lalo na kapag kinukwento ka na ng ibang tao. Sobrang saya nila pakinggan. Gustung-gusto ko rin yung mga pelikulang ikaw ang bida. Yung mga tipong Sleepless in Seattle, Serendipity, You’ve Got Mail, mga ganun. Ang galing mo dun. Sobrang galing mo dun.

Hindi ko alam kung kilala mo ako. Pero para lang matandaan mo, ako yung ilang ulit mo nang pinaglaruan. Oo, “pinaglaruan“ ang gagamitin kong termino at hindi “napaglaruan” kasi feeling ko sinasadya mo na. Kasi nung natuto akong umibig dun na din ako natutong magmura. Kasi sa tuwing ibubuhos ko ang puso ko sa isang tao, bigla-bigla na lang palilikuin mo siya. Palilikuin mo sa daang hindi patungo sakin. Doon sa halik at yakap ng iba.

Pero hindi ako sumuko. Patuloy pa rin akong nagmahal. Yung iba…

View original post 351 more words

Featured Image -- 1234

What inspires you…

“Not everyone in our lives will always truly understand our visions and purpose. Some may think they do but will unintentionally put us away or will try to speak different dreams and goals into our lives.”

Dream Wish Inspire

To dream takes courage, to inspire requires action…

Our life’s journey begins with our spirit. Our spirit first has to be empowered and given life to by Gods redeeming Spirit. As humans we all have experienced the sense of receiving energy and ideas from an outside source. A source that runs through us yet is not controlled by us.

John Ortberg in his book ‘The me I want to be’ describes being in-spired as “a Spirit-word that literally means something has been breathed into us…when your spirit flourishes, you are most fully alive. You have purpose for living. You are drawn to put on virtue and put off sin.”

So how do we become inspired? How do we live our days being in-spirit with God? With his amazing plans for our lives?

Firstly, I believe we need to allow ourselves to dream…to dream for the unexpected and to dream big…

View original post 318 more words

Unabridged

Every word, every look, everything unintentional and meaningless fanned the flames.
Lies.
Wasn’t love supposed to be a brilliant consuming?
If then, is this not love?

Keyboard Crasher

Unabridged“How could we have stood there so close together with our hearts so far apart?

I felt the strain in my chest, but I knew not what to do about it.

I let the feeling engulf me and I studied it.

Was that what a broken heart felt like?

But isn’t breaking a sudden crash into a million tiny pieces?

A sudden piercing pain?

But that was not it.

View original post 98 more words

Unrequited

Everyone who loves has been born of God and knows God.Whoever does not love does not know God, because God is love.
1 John 4:7-8 NIV

Keyboard Crasher

“When?” She asked one night. “When will it be my turn to fall in love?”
“Anytime. Even now.” He whispered, but she didn’t hear.
Another night, she watched as others walked in twos as she trailed along crowds not knowing he always matched his steps with hers.

View original post 106 more words

Featured Image -- 1228

Kapag sinabi kong Mahal kita

“Kapag sinabi kong mahal kita, ibig sabihin, ikaw ang tanging pagsinta na laging ikaw ang hahanap-hanapin, at mamahalin magpakailanpaman.”

Sa pagdampi ng malamig na hangin sa aking mga pisngi ay nakikita ko na ang katapusan na ‘di ko mawari kung ano ang dapat na gawin sa sandaling ito na parang gumuguho ang mundong ating sabay na binuo.

Na sa sandaling ito ay maaari kang maglaho nalang bigla sa ‘king paningin…

Na sa sandaling ito ay lalamunin ako ng takot na ika’y mawala sa isang iglap.

Na sa sandaling ito ay nagsusumamong ‘wag kang umalis sa buhay ko.. sa buhay kong ikaw, ikaw.. ikaw ang bumubuo.

Na sa sandaling ito ay ‘di ko alam kung ako’y makakatulog ng mahimbing sa paulit-ulit na pagtambol mula sa aking dibdib na isinisigaw ang pangalan mo.Humihiyaw, sumisigaw.. humihiyaw, sumisigaw at pilit na hindi bumibitaw sa pag-asang AKO..Ako’y muling makita mo bilang una mong minahal na sa isang saglit ay ‘di papayag ang puso na ika’y biglang mawala. Dahil.. naghihikaos ang puso na ika’y makapiling MULI… muli.. muling madama ang kasiyahang araw-araw na pinapatunayan mong “Ako’y sa’yo, at Ika’y akin”.

Na sa sandaling ito ay humuhugot ang sarili sa mga pangakong iyong binitawan na ako ang tanging iibigin “ngayon at magpakailanman”. Humuhugot ng lakas sa iyong mga tawa dahil sa sandaling ito, nakatatak na sa aking isipan na hindi ka susukuan.

Na sa sandaling ito ay gustong panindigan ang sinabi kong tanggap ko…tanggap ko ang iyong nakaraan, ang iyong ngayon at ang iyong kinabukasan maging sino ka man dahil mahal kita. Dahil kapag sinabi kong mahal kita, hindi basta mahal lang kita kundi mahal na mahal. Dahil sa sandaling ito ay hindi kita iiwanan at bibitawan sa paniniwalang nakikita ko sa ‘yong mga mata na iba sa iyong mga sinasabi na sya at hindi ako. Dahil sa sandaling ito ay damang-dama ko sa pag-agos ng luha mula sa ‘yong mga mata habang isinasadula ko ang anim na buwan na tayo’y nagkasama na sa sandaling iyon ay nahihinuha kong tanging ako lamang ang laman ng iyong puso at wala ng iba pa.

Na sa sandaling ito ay binibigyan mo ako ng rason para ako’y umuwi ngunit alam na alam ko na ika’y puno ng takot na ako’y saktang muli sapagkat kitang-kita ko sa iyong mga mata at mahigpit na hawak ng iyong mga kamay na ako.. ako ang nilalaman ng puso mo.

Na sa sandaling ito ay ang malalalim na pagtingin na kunwari ay sinasabihan mo ang puso kong ‘wag umalis ‘pagkat ikaw ang nagbibigay saya ng buhay ko.

Na sa sandaling ito ako ay napailing at napa-isip, na sa kabila ng sakit na ginawa mo sa aking damdamin, na sa sandaling ako’y nawalis sa iyong isipan at napunta sa iba, ako’y iyong pinatay- pinatay, dinurog at inalipusta. Ngunit sa sandaling nakita ko ang iyong pag-sisisi, pagpapatawad ang aking hinandog dahil sa mahal kita. Hindi lang basta mahal lang kita kundi mahal na mahal.

Na sa sandaling ito ay tinatanong mo sa akin kung nararapat bang ipagpatuloy pa o wakasan na, diretsong sagot ko lamang ay “Oo dahil hindi perpekto ang pag-ibig tanggap kita dahil mahal kita,” Pero nung sa sandaling ika’y yumuko at tumalikod, damang-dama ko ang biglang pagsikip ng aking dibdib.. sa dibdib kong tumatagos ang bawat patalim sa bawat iyong pag-iling habang pilit kong patawanin ka dahil ang bawat sandaling iyon ay mahalaga.. habang kapiling ka pa.. Dahil sa sandaling ito ay nilalabanan ko ang takot… ang takot na mawala ka.

Na sa sandaling ito ay nakita ko ang lungkot sa ‘yong mga mata dahil ako’y iyong lubos na nasaktan mula sa iyong pagkakasala. Dama ko ang init ng iyong pagyakap nang sabihin kong hindi dapat tayo sumuko at malalampasan natin ito.

Na sa sandaling ito na habang pinapagaan ko ang ating pinag-uusapan ay sinasandalan ko ang mga biro para mapatawa ka nang ganung kalakasan.

Na sa sandaling ito ay tanging tawa mo ang bumubuhay  sa  puso kong unti- unting sumusuko. Sa bawat indak ng mga alon ay sumasabay ang pag-asang magbago ang ihip ng hangin at sa sandaling ito na habang patuloy akong naging kalma at panay ang biro sa’yo, paulit-ulit ang sakit.. paulit-ulit mong binubulong sa akin ang katagang I’m sorry..I’m sorry.. I’m sorry.

Na sa sandaling ito ay inaalala ko ang eksaktong anim na buwang ika’y nakapiling at lubos ang pagpapasalamat sa kasiyahang inalay mo sa akin. Kaarawan ko nang binigyan mo ako ng pandang hugis bilog at cake na kasing tamis ng iyong pagsuyo sa akin. Dumaan ang valentines nang ako’y iyong sinorpresa ng rosas at mabibilog na tsokolate. Walang humpay na ngiti ang gumuhit sa aking mukha sa mga sandaling unang tinawag mo akong prinsesa at hayaan mo… hayaan mong hinay-hinay kong ibababa ang korona.

Na sa sandaling ito ay labis akong naging sabik na ika’y mayakap sa kahuli-hulihang pagkakataon. Ako’y aalis na may iiwan sayong ngiti sabay kaway at sasambitin sayong “mahal kita Paalam na.”Ngunit .. sa sandaling tumalikod na ako ay hinila mo ang aking mga kamay kasabay ng iyong mahigpit na yakap ay sinabi mong “isa pa.. isa pang pagkakataong muli.”

Na sa sandaling ito, ay nabunyag ang katago-tago mong pagsusumamo na ako’y ayaw mong mawala- na ako’y ayaw mong mawala dahil sayo’y ako’y mahalaga..

Na sa sandaling ito ay nagbago ang kulay ng aking paningin.Dumadagundong ang malakas na kulob sa aking puso nang sabihin mong mahal na mahal na mahal mo ako. Na ang saysay ng buhay mo ay ako, na may saysay ang ipag-laban ang pag-ibig na ito.

Na sa sandaling ito ay ako ang naging salaysay ng bawat malalim na pagtingin ng iyong mga mata .. mga matang kay kislap tulad ng mga bituin sa kalangitan. Ang iyong mga ngiti ay isa sa mga rason na aking ipinapaglaban. At sa pagpapatawad ko’y naging sandigan mo para magsimula tayo ulit- ulit.. ulit sa pangalawang pagkakataon.

Na sa sandaling tatalikod sa’yo ang mundo, ako ang kahuli-hulihang taong susuko sa’yo. Sa kabila ng pagluha ko, ika’y aking tatanggapin dahil alam kong ika’y akin. Ang pag-big ko sa’yo ay higit pa sa mga salitang maaari kong masabi dahil kapag sinabi kong mahal kita, hindi lang basta mahal lang kita kundi mahal na mahal kita.

Na sa sandaling mapupuna mo sa sarili mong gago ka, oo gago ka talaga pero matatanggap kita dahil sa mahal kita. Na sa sandaling matatawag mo sa sarili mong wala kang kwenta, oo sa gabing iyon pero mapapatawad kita dahil mahal kita. At tatandaan mong kapag sinabi kong mahal kita, ibig sabihin, ikaw ang tanging pagsinta na laging ikaw ang hahanap-hanapin, at mamahalin magpakailanpaman.

Na sa kabila ng lahat ng pakikibaka para sa pag-big na ito, tayo ay nabigo. Na sa tindi ng kapit ko sa’yo, ay s’ya rin’g lalim ng markang iniwan mo..Na sa unang beses na sinabi mong mahal mo ako ay  sana’y natanong ko sayong  bago mo ko hawakan maaari ko bang malaman kung paano mo ako bibitawan’?